Aw natamaan ako sa linyang binitawan ni yael agbayani sa kanyang Blog(http://yaelagbayani.i.ph) na nagsasabing:
"Man, you can change a president like you change your underwear everyday!"
Nakakahiya! Masakit man sa loob pero yan ang totoong nangyayari sa ating sambayanan. Ako’y 19 anyos ngayun at ako’y namulat dati pa sa mga ganitong katiwalian sa ating bansa. Ang politika para sa akin ay napaka gulo, walang isang salita, walang pinaninindigan at walang dahilan upang maging pinuno ng ating bayan.
Gusto ko lang i share nung andun kami ng mga kaklase ko sa Robinson’s Mall kasi may military weaponry expo dun. Eh dahil medyo hilig namin ang mga ganitong bagay minabuti na naming magpapictures. Layunin daw ng activity na eto ng militar na turuan para sa awareness ang mga tao para sa panahon ng kagipitan. Giyera ata ibig sabihin ng Master Sargent na nag orient sa amin non. Hehehe. Nakakatuwa nga kasi parang naalala ko yung mga movie documentaries about Martial Law pagkakita ko sa mga pics namin. Pagpasensyahan nyo nlang kasi medyo onti lang nakuha ko sa kanila eh….
Si Edmund may hawak ng M16 Grenade Launcher. Eto may experiences to sa mga ganitong bagay kasi nakapag-aral sa PMA ata. And may relative sya na nasa militar. Nung unang-una nga hinawakan nya agad yung rifle, saulado pala lahat ng mga nasa armas na yun. Tsk tsk tsk, kala ko nga hanggang counter-strike source lang to yun pala inde. Hehehe
Sa tinagal tagal kong tinatago etong software na to ngayun ko lang ata i sshare. Hehehe hindi naman sa pagmamaramot pero gusto ko kasing maranasan ng mga starting guitar players ang mga naranasan din ng mga guitar masters ngayun. Dati kasi medyo manual talaga at kahit gumawa ka lang ng tablature ng kanta e talagang note-to-note talaga. Pero depende pa rin kasi sa isang musician kung paano nya i transcribe ang napakikinggan nyang mga sonata. So ngayun nman medyo automated na kasi lahat at ang pag ta-tab ng gitara’y automated na din. So gusto ko lang i share tong software na to sa inyo kasi malaking tulong talaga to di lang sa guitarista kundi sa buong banda!
Eto na pala yung sinasabi kong pinuntahan namin nung nakaraang araw lang. Nadala na kasi ng tita ko yung digicam nya so ayun hiniram ko at medyo nag photography tripping na naman. Hehehe. Iba kasi talaga nakahiligan so ayun after naglaro ng patintero, rest ng onti, then picture2 agad. So sana magustuhan nyo yung mga shots na nakuha ko. Pag pasensyahan nyo nlang muna kasi medyo low quality pa kasi ang digicam e, pero ok na yun siguro para mapakita ang talent kahit onti. Yaan nyo pag nagkapera na, bili ako ng Nikon D60.
Dont forget to comment ha, and of course feel free lang n_n